^

Metro

Modelo, 1 pa huli sa P1-M na droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Modelo, 1 pa huli sa P1-M na droga
Ang freelance model na si Aaron Cruz at ang kinakasama na si Geraldine Vitto.

MANILA, Philippines — Isang modelo na sinasabing grand finalist ng ‘Gandang Lalake’ ng isang noontime show at kanyang kasamang babae ang naaresto kung saan nasamsam sa mga ito ang P1-milyong hala­ga ng cocaine at ecs­tasy ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy bust ope­ration sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang dalawang suspek na sina Aaron Cruz, 25, at Geraldine Vitto, 22.

Nabatid na si Cruz ay isang freelance commercial model at endorser ng iba’t ibang produkto.

Ayon sa PDEA, matagal na umanong sinusu­baybayan si Cruz dahil sa kanyang ilegal na gawain hanggang mati­yempuhan ito dakong alas-5:30 ng madaling araw at isinagawa ang buy-bust operation sa 36th St. Bonifacio Global City, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Nabatid din na ang dalawang suspek ay kabilang sa mga supplier ng droga sa ilang artista. 

Aminado naman si Vitto na sa kanya nakuha ang party drugs pero napag- utusan lang umano siya at pinadala ang order at hindi niya alam na droga ang kanyang dala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

vuukle comment

AARON AQUINO

AARON CRUZ

GERALDINE VITTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with