^

Metro

7-anyos ni-rape ng kapitbahay, hinawahan ng STD

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 20-anyos na obrero na paulit-ulit na humalay sa 7-anyos niyang kapitbahay na hinawahan pa niya ng Sexually Transmitted Disease (STD) sa Pasig City, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ni Eastern Police District (EPD) Director P/Colonel Florendo Quiboyen, Officer-in-Charge ng nasabing himpilan, arestado sa follow-up operation ang 20-anyos na suspect na si Jessienel Neiz, construction worker at residente ng Vicper Compound, Brgy. Malinao ng lungsod.

Bandang alas-4 ng hapon nang makorner ng mga elemento ng pulisya ang suspect sa pinagtatrabahuhan nitong  construction site sa kahabaan ng Dr. Sixto Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Ang suspect ay inaresto  ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni Police Major Darwin Guerero sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Carmencita Lacandazo ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159  sa kasong statutory rape  na ang huli ay nangyari noong Enero 15, 2019.

Hindi na nakapalag ang suspect matapos na mapalibutan ng mga operatiba na agad itong pinosasan at dalhin sa presinto.

Sa rekord ng korte ang suspect ay ipinagharap ng kasong statutory rape ng pamilya ng 7-anyos na biktima. Mula noong 2017 si­nimulan na itong halayin ng suspect.

Ayon sa imbestigasyon  ang biktima ay madalas makipanood ng telebisyon sa bahay ng suspek kung saan  madalas na nagaganap ang pangmomolestiya.

Nang madiskubre ang panghahalay at patignan ang paslit, doon nabatid na nahawaan pa ito ng STD ng suspect.

vuukle comment

RAPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with