^

Metro

Mister ‘person of interest’ sa kinatay na misis

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Mister �person of interest� sa kinatay na misis
Bukod pa rito ay may hawak na dalawang testigo ang pulisya na makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa nangyaring pagpaslang sa biktimang si Cristina Torres.

MANILA, Philippines — Tatlong persons of inte­rests ang tinitignan ngayon ng Parañaque City Police kabilang ang mismong mister ng 29-anyos na misis na natagpuang patay bunsod ng tinamong mahigit sa 100 saksak sa loob ng kanilang tahanan sa Muntinational Village, Brgy. Moonwalk, ng naturang lungsod, nitong Martes ng hapon.

Bukod pa rito ay may hawak na dalawang testigo ang pulisya na makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa nangyaring pagpaslang sa biktimang si Cristina Torres.

Sinabi ni Police Lt. Col. Yaya Yusop, Assistant Chief of Police for Admi­nistration, sa ngayon aniya ay kabilang sa kanilang persons of interest ang negosyanteng mister ng biktima na si Noel Torres, 49, at ang itinuturong dalawang construction workers sa kalapit na ginagawang bahay sa kanilang lugar na napapansin nito na may kahina-hinalang kilos bago natuklasan ang bangkay.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang asawang si Noel sa loob ng kanilang bahay sa Block 4 Saint Jude St., sa nasabing lugar dakong alas-4:30 ng hapon  na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang dumating ito sa kanilang bahay.

Sinabi ni Yusop, dalawang anggulo ang kanilang tinututukan kabilang na ang pagnanakaw at selos matapos mabatid na mayroong naging ka-relasyon noon ang misis na alam ng mister ngunit sa pag-aakalang tinapos na ng biktima ang pakikipagrelasyon ay napag-alamang patuloy pa rin umano itong nakikipagpalitan ng mensahe sa lalaki.

Inihayag din umano ng ilang testigo na madalas na magkaroon ng mainitang pagtatalo dahil sa selos ang mag-asawa na napag-alamang noon lamang nakaraang taon nagpakasal kaya’t wala pa silang nagi­ging supling.

Nilinaw naman ni Col. Yusop na hindi pa rin nila iniaalis ang anggulong pagnanakaw lalo na’t bukas ang kaha-de-yero sa loob ng silid ng mag-asawa at nagkalat ang mga gamit na palatandaang naghalughog ang suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with