^

Metro

Food supply sa Boystown, ibinaon sa 10-ft na hukay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Food supply sa Boystown,  ibinaon sa 10-ft na hukay
Ang malalim na hukay na ito nadiskubreng ibinaon ang food supply ng Boystown sa Maynila na ininspeksyon ni Manila Mayor-elect Isko Moreno.

MANILA, Philippines — Bulto-bulto ng  bigas, asukal, kape at noodles ang ilan lamang sa  food supply  na nadiskubreng ibinaon sa isang hukay sa loob ng Manila Boystown. 

Ayon kay  Manila City Mayor-elect Isko Moreno Domagoso, maliwanag na pananabotahe ito sa susunod na administrasyon na dapat na imbestigahan.

Kahapon ng umaga nang magsagawa ng inspeksyon si  Domagoso  sa Boystown kung saan nadiskubre ang  tambak na mga food supplies na nakabaon sa 10-feet hole. Bukod sa mga nabanggit  na food supplies, mayroon ding oatmeal at chocolate na  pawang hindi pa expired.

“Ayon sa report na natanggap natin sa social media, itinapon daw ang mga pagkain na ito para hindi magamit ng susunod na administrasyon,” ani Domagoso. 

Giit ni Domagoso, hindi pa sira ang mga pagkain  at maaari pang pakinabangan ng mga nasa Boystown. 

Aniya, pag-aari ng pamahalaan  ang mga itinapon kaya’t dapat na ipinaaalam muna sa head ng center.

Dagdag pa ni Domagoso  dapat na maibestigahan ang  insidente  upang mapanagot ang responsable.

Inamin naman ni Manila  Social Welfare  Department chief Nanette Tanyag na siya mismo ang  nag-utos na itapon ang mga  bigas,  noodles at iba pang food supply na nadiskubreng  ibinaon sa   loob ng Boystown.

Sa telephone interview kay Tanyag, sinabi nito na nagdesisyon siyang ipatapon ang mga bigas at iba pang food supply dahil hindi na ito maaaring gamitin.

Ang Manila Boystown ay nasa pangangalaga ng DSWD.

“Not fit for  human consuption ang mga pagkain.  Mahirap na ipakain sa mga nasa Boystown  mas lalong nasa panganib ang kalusugan ng mga ito,” ani Tanyag.

Tulad aniya ng bigas na binukbok dahil sa pagkakabasa ng ulan.  Ang mga pagkain na kanilang ibinaon ay mga expired.

Binigyan diin ni Tanyag na hindi pananabotahe ang kanilang ginawa dahil mas isinaalang-alang nila ang kapakanan ng mga nasa Boystown.

vuukle comment

FOOD SUPPLY

MANILA BOYSTOWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with