^

Metro

1 pang Tsino dinukot ng 2 kababayan

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa na namang Chinese national ang dinukot ng da­la­wang kalalakihan na hinihinalang kapwa nito Chinese, kama­kalawa ng hapon sa Pasay City.

 

Kinilala ang biktimang si Wang Jinchuan, empleyado ng Vertex On Line Gaming, na matatagpuan sa 8th floor, Bio Polis Building, Macapagal  Boulevard ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na report na natanggap ng hepe ng Pasay City Police na si Sr. Supt. Noel Flores, naganap ang insidente alas-5:36 ng hapon sa kahabaan ng Pearl Drive, malapit sa panulukan ng Macapagal Avenue ng nabanggit na siyudad.

Nakatayo umano ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot ang dalawang kalalakihang Chinese looking at pwersahang ipinasok sa isang Mitsubishi SUV van na walang plaka si Jinchuian at pinaharurot ang sasakyan patungo sa direksiyon ng Macapagal Boulevard.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya kung ang naganap na pagdukot sa biktima ay may kinalaman sa trabaho nito sa online gaming.

vuukle comment

DINUKOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with