^

Metro

Noche Buena items sa Maynila, pinababantayan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Noche Buena items sa Maynila, pinababantayan
Ito ay kasunod sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga opisyal ng Manila market office

MANILA, Philippines — Bunsod sa nalalapit na Kapaskuhan, inilunsad na ang price monitoring drive sa mga palengke sa Maynila upang tiyaking hindi magsasamantala ang mga negosyante sa presyo ng Noche Buena items.

Ito ay kasunod sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada sa mga opisyal ng Manila market office 

Mismong si Market Master Annie Balboa ang nag-ikot sa mga palengke matapos tumanggap ng reklamo si Estrada na may mga negos­yante na ang nagtataas ng kanilang mga paninda.

Anang Alkalde, hindi dapat na samantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon lalo na’t bumaba na ang pres­yo ng petroleum products at bigas.

Inatasan din ng Alkalde si Balboa na magsagawa ng mga random inspection sa mga grocery stores at sa mga palengke para matiyak na makakasuhan ang mga nagsasamantala sa papara-ting na Holiday season.

Umapela rin si Estrada sa mga negosyante na maging mabuting Kristiyano lalo na sa ganitong panahon dahil hindi magandang pagtubuan ng malaki ang ating mga mamimili.

Tiniyak nito  na mas magiging agresibo pa ang pagkilos ng city government paban sa mga profiteers sa mga susunod na araw habang papalapit ang noche buena ay medya noche.

NOCHE BUENA ITEMS

PRICE MONITORING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with