^

Metro

2 biktima ng salvage, ikinalat sa kalsada

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 biktima ng salvage, ikinalat sa kalsada
Sa ulat ng pulisya, ala-1:05 ng madaling araw nang matagpuan ng isang residente ang mga bangkay sa madilim na bahagi ng Sarnal Road sa Kingstown 1 Village, sa Brgy. 171, ng naturang lungsod.
File Photo

MANILA, Philippines — Dalawang  lalaki na hinihinalang mga biktima ng summary execution ang itinapon  sa kalsada sa isang subdibisyon sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:05 ng madaling araw nang matagpuan ng isang residente ang mga bangkay sa madilim na bahagi ng Sarnal Road sa Kingstown 1 Village, sa Brgy. 171, ng naturang lungsod.

Inilarawan ng pulisya ang isa sa bangkay na nasa pagitan ng edad 30-35 anyos, may taas na 5’1”, nakasuot ng puting sando at maong na pantalon, at may tattoo sa likod na “RHAYROS.” Inila­rawan naman ang isa pa na may edad 40-45 anyos, 4’8” ang taas, nakasuot ng pulang sando na may tatak na “Better Run” sa harap at “Allan” at numero 9 sa likod, asul na jersey shorts, at may tattoo na puso, patalim at tribal sa kaliwang braso at tattoo na “Guardians Kissboy” at “A. Naayaw” sa kanang braso.

Ayon kay Vien Ogale, sakay siya ng kanyang kotse pauwi ng bahay nang makita ang dalawang bangkay na nakaharang sa kalsada. Agad niyang iniulat ito sa home­owners association ng Kingstown 1 na  nag-ulat naman sa Police Community Precinct 6.

Sa pagsusuri ng NPD-Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakita na nagtamo ng maraming saksak sa likuran ang dalawang biktima na dahilan ng kanilang kamatayan.

SALVAGE VICTIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with