^

Metro

Maangas na parak, nag-viral sa FB sinibak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Maangas na parak, nag-viral sa FB sinibak
Nabatid na si PO1 Bernard Cantre, na nakatalaga sa EPD District Mobile Force Battalion, ay kaagad na ni-relieve ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay, matapos na makitaan ng hindi magandang asal habang sinisita ang driver, na nairekord naman ng mga pasahero at ipinaskil sa FB, hanggang sa tuluyan itong mag-viral.
File

MANILA, Philippines — Pinatalsik sa puwesto ang isang baguhang pulis matapos na mag-viral sa Facebook ang video dahil sa kaangasan nito hinggil sa ginawang paninita sa driver ng isang pampasaherong jeep na nakasabay lamang nito sa kalsada sa Barangay Fortune, Marikina City kamakalawa ng umaga.

Nabatid na si PO1 Bernard Cantre, na nakatalaga sa EPD District Mobile Force Battalion, ay kaagad na ni-relieve ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay, matapos na makitaan ng hindi magandang asal habang sinisita ang driver, na nairekord naman ng mga pasahero  at ipinaskil sa FB, hanggang sa tuluyan itong mag-viral.

Batay sa ulat ng EPD, dakong 10:00 ng umaga kamakalawa ay sakay ng isang motorsiklo si PO1 Cantre, kasama ang kanyang asawa, at bumibiyahe sa Bara­ngay Parang patungo sa Barangay Fortune, nang pagsapit sa intersection, ay bigla na lang sinita ng pulis ang jeepney driver, na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Inakusahan umano ng pulis ang driver ng pag-counterflow at nagpahayag ng maaanghang na mga salita.

Nang malaman naman ng driver na pulis si Cantre ay nagpakumbaba na ito at humingi ng paumanhin.

Hiningian pa umano ni PO1 Cantre ang driver ng lisensya, ngunit wala itong naipakita maliban sa isang Traffic Violation Receipt (TVR), matapos umano siyang masita na rin sa paglabag sa batas-trapiko.

Nakarating naman sa ka­alaman ni P/Senior Supt. Cresenciano Landicho, Force Commander ng DMFB, kaya’t kaagad na ipinata-  wag si PO1 Cantre para ma­imbestigahan.

Ilang oras lamang naman o kamakalawa din, ay kaagad nang ipinag-utos ni Biay ang pag-relieve sa pulis sa puwesto.

Tiniyak ni Biay na hindi niya kukunsintihin ang mga ganitong pag-uugali ng kaniyang mga tauhan, na dapat umano ay makitaan ng disi­plina at propesyunalismo.

BERNARD CANTRE

EASTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with