^

Metro

2 Iranian huli sa droga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Iranian national ang inaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kahapon ng mada-ling araw.

Kinilala ni QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang suspek na si Amir Gharehgozlou, 30, ng Sta Mesa, Manila at Omid Hosseini, 37, ng  Project 4, Quezon City.

Ang dalawang dayuhan ay nadakip dakong ala-1:00 ng madaling araw sa Delos Reyes St., Brgy. Milagrosa sa lungsod.

Ayon sa report, dati ng sumuko sa ‘Oplan Tokhang’ ng pulisya si Gharehgozlou pero sa halip na magbago ay nagpatuloy pa rin ito sa pagtutulak ng bawal na droga kaya nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta ng kanyang pagkakadakip habang ini-aabot ang droga sa isang poseur buyer na pulis.

Nabawi mula sa dalawang dayuhan ang siyam na plas-   tic sachets ng shabu, cellular phone at buy-bust money.

Nahaharap ngayon sa kasong drug pushing ang dalawang dayuhan na ngayon ay nakakulong sa selda ng QCPD Project 4 Police Station.   

vuukle comment

INARESTO

IRANIAN NATIONAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with