^

Metro

Helper nagbigti sa CR

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala nang buhay nang madiskubre ang isang lalaking nakabigti sa loob ng common comfort room sa isang gusali sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Rodrigo Bagat Jr.,  alyas “JR”,  19, helper, residente ng Room 204, Corazon Ti­bayan Building sa no. 774 Montaña Street, Earnshow, Sampaloc,  Maynila.

Sa ulat ni PO3 Rode-rick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng hapon ng Biyernes nang madiskubre ang insidente ng isang tindera ng sari-sari store na gagamit umano ng CR.

Nagulat si Emily Ayon, 33, nang makitang may na­kabitin sa common CR gamit ang nylon cord na itinali sa kahoy na suporta ng kisame.

Ipinaalam ni Ayon sa mga kapitbahay at sa barangay official ang natuklasan bago ipinarating sa pulisya.

Aalamin pa sa kapatid na si Roy Bagat at live-in partner nito  si Amira Domrique kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapatiwakal ng biktima.

vuukle comment

CR SUICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with