^

Metro

Motor sumemplang: 1 patay, 1 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isa ang patay at isa ang nasugatan matapos sumemplang ang sinasak-yan nilang motorsiklo sa Morato Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na agad na nasawi dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo ay nakilalang si Jubert Abenes,  29, may asawa, security guard na nakatira sa Francisco St., Barangay Barangka, Marikina City.

Sugatan namang isinugod sa pagamutan si Roland Andres,, 32, security guard ng  Myna St., Sitio Veterans, Bagong Silangan, Quezon City.

Ayon sa report, sakay ng motorsiklo ang dalawa na minamaneho ni Andres at angkas si Abenes nang mawalan ng balanse at matumba sa palikong kalsada.

Dahil walang suot na helmet si Abenes kaya tumama ang ulo nito sa sementadong kalsada na siyang dahilan ng ‘on the spot’ na kamatayan.

Nakaligtas naman at nagtamo lamang ng sugat sa katawan si Andres dahil nakasuot ito ng helmet. 

vuukle comment

NASUGATAN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with