^

Metro

4 pang dawit sa droga, bulagta

Angie dela Cruz at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 pang dawit sa droga, bulagta

Bumulagta ang dalawang suspek na sangkot sa droga matapos manlaban sa pulisya sa isinagawang operasyon  sa Novaliches, Quezon City.  (Kuha ni Joven Cagande)
 

MANILA, Philippines -  Apat katao na pinaniniwalaang dawit sa ilegal na droga ang iniulat na nasawi  sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City at Maynila.

Sa QC, kinilala ni QCPD director P/Chief Supt.  Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang isa sa nasawi  na  si Leonides Gacutan, 44 ,  tricycle  driver, ng Brgy.  Batasan, Quezon City.

Nabatid na  dakong alas-4:00 ng madaling araw kahapon, nasa loob ng kanyang tricycle si Gacutan sa terminal sa Batasan nang basta na lamang lumapit sa kanya ang dalawang lalaki na naka-helmet at walang habas na binistay siya ng bala hanggang sa duguang humandusay at mamatay.

Mabilis namang tumakas  sakay sa naghihintay na  motorsiklo na walang plaka  at humarurot patungo sa direksiyon ng Montalban, Rizal ang mga suspect.

Sa Brgy. Bagbag, Novaliches naman napatay ang kilabot na  ‘tulak’ na si Gary Sampagan at isang hindi kilalang tauhan nitö  sa isinagawang buy – bust operation ng mga operatiba ng QCPD PS 4 Novaliches Station.

Sinasabing, nakatunog umano si Sampagan  na parak ang kanyang ka-transaksiyon sa Celina compound, Celina Drive, kung saan bubunot sana siya ng baril subalit agad inunahang barilin ng back – up na mga operatiba ng Novaliches Police na ikinasawi ng mga ito.

Nakuha ng Scene on the Crime Operation (SOCO) sa hide – out ng 2 suspek ang  dalawang baril, mga  drug paraphernalia, P10,000 budol na pera, P1,000 drug money, mga plastic sachet ng shabu at Suzuki motorcycle na walang plaka.

Hindi na umabot  ng buhay sa East Avenue Medical Center ang dalawa bunga ng tinamong mga  tama ng bala sa kanilang katawan. 

Samantala sa Port, Area, Manila, hindi na rin umabot pang buhay ang isang ‘tulak’ sa droga na miyembro ng ‘Bahala na Gang’, sa isinagawang buy-bust operation.

Kinilala ang nasawi na si Nicolas Bornia alyas Alas, nasa 40-45 anyos.

Sa ulat ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas 10:45 ng gabi kamaka­lawa sa Block 9, Old Site, Baseco.

Sa inisyal na ulat, ikinasa ang buy-bust operation laban sa nasawi.

Sinasabing aarestuhin na ang suspect nang manlaban ito at paputukan ang opera­tiba dahilan naman upang gumanti ang mga pulis na siyang ikinatama at ikinamatay ni Alas.

Narekober sa crime scene ang  isang kalibre .38 baril na may 2 bala, apat na plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with