TRO sa Uber, giit
MANILA, Philippines - Hiniling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Regional Trial Court na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) hinggil sa patuloy na pagtang-gap ng aplikasyon ng UBER sa buong bansa.
Ito ay giniit sa korte ng LCSP sa pamamagitan ng volunteer lawyer na si Atty, Vicente C. Ramirez upang matigil na ang pagre-recruit ng UBER sa mga private vehicle owners para maging miyembro nito at tuloy mabawasan ang mga colorum na on-line for-hire-vehicles sa bansa lalu na sa Metro Manila.
Sinasabing libong mga private vehicles na ang inaprub ng Uber na maging miyembro para mamasada at binibigyan ng gadget pero wala naman itong provisional authority o permit na mamasada mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Nag-ugat ang reklamo ng LCSP sa pamamagitan ni Ramirez nang sampahan ng kaso sa QC Regional Trial Court ang Uber driver na si Gerry Canete, operator nito na si Glaiza Hagape at ng mismong kumpanya ng Uber dahil sa pamamasada ng walang provisional authority sa LTFRB at tanging pinanghahawakan ay ang approved application lamang sa kompanya ng Uber na nangangahulugan na ito’y isang kolorum na on-line for hire vehicle.
Si Canete ang nagsakay at nakapinsala sa katawan ng pasahero nitong si Margarita del Rosario, executive secretary ng Barko International Inc. nang sumalpok sa trak ang minamanehong Toyota Avanza sa Maynila noong Pebrero 7,2017.
Sinasabing close na ang LTFRB para mabigyan ng provisional authority ang mga bagong nag-aplay ng akreditasyon sa Uber mula September 2016 kayat kailangang maitigil na ng Uber ang pagtanggap ng aplikasyon hanggang sa website sa internet at iba pang anunsiyo ng aplikasyon para sa kompanya.
- Latest



















