^

Metro

Frat war: 21-anyos dinedo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pinabulagta ang 21-an-yos na lalaki matapos itong barilin ng kalabang miyembro ng fraternity kamakalawa ng gabi sa Araneta Avenue, Tondo, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tinamong tama sa dibdib ang biktimang si Joseph Medina ng #1581 Tindalo Street sa Tondo.

Arestado naman sa isi­­nagawang follow-up ng pu­lisya ang mga suspek na menor-de-edad na iti­nago sa mga pangalang Tonton at Potpot.

Sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale, naitala ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa Araneta Street, malapit sa panulukan ng Jose Abad Santos Avenue.

Nagbibisikleta ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang pagbabatuhin ng mga suspek.

Tinangkang tumakas ang biktima kung saan nagtago pero binaril ito sa dibdib ng mga suspek.

Nabatid na dating alitan ng magkalabang grupo ang tinitingnang anggulo sa pagpaslang sa biktima.

vuukle comment

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with