^

Metro

Holdaper bulagta sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang holdaper ang nasawi makaraang makipagbagbakan sa mga tropa ng Quezon City Police ilang minuto matapos na res­pondehan ng mga huli ang isang lalaki na umano’y kanyang biniktima sa may Brgy. West Triangle sa lungsod, ka­hapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing suspect na si Jerry Sibug, 30, ng Sitio San Roque, Agham Road, Brgy. Bagong Pag-asa, QC.

Sa pagsisiyasat, si Sibug ay nanlaban umano sa mga ope­ratiba ng Masambong Police Station 2, ng QCPD na hini­ngan ng tulong ng biktimang nakilalang si Jeffrey Bautista, 31, buy and sell agent, ng Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay, Quezon City.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng West 6th St., Brgy. West Triangle, dakong alas- 2:30 ng madaling araw habang ang biktima ay nagla-lakad sa naturang lugar nang harangin umano ng suspect na si Sibug at tutukan ng baril.

Kasunod nito, biglang inagaw umano ni Sibug ang shoulder bag ni Bautista na naglalaman ng CCK Duke 3 cellphone (P2,000) at cash na P10,300, bago naglakad patakas patu-ngong Quezon Avenue. Agad namang nagtungo si Bautista sa PS-2 at humingi ng tulong.

Sa isinagawang follow-up operations naispatan ang suspek na tumugma sa diskripsyon ibinigay ng biktima dahilan para lapitan nila ito at pahintuin.

Subalit sa halip na sumunod ay nagbunot ng kanyang baril ang suspek at pinaputukan ang mga operatiba sanhi upang ma-uwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng suspect.

vuukle comment

QUEZON CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with