^

Metro

2 Pasig cops tumakbo sa shootout, sinibak

UPTOWN DOWNTOWN - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 Pasig cops tumakbo sa shootout, sinibak
Dalawang bagitong miyembro ng Pasig City Police na nakunan ng video na nagtakbuhan sa shooting incident sa anti-drug war sa lungsod kamakailan ang sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
File photo

MANILA, Philippines - Dalawang bagitong miyembro ng Pasig City Police na nakunan ng video na nagtakbuhan sa shooting incident sa anti-drug war sa lungsod kamakailan ang sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Kinilala ang mga sinibak na sina PO1 Herminio Mana­lastas at PO1 Jayson Riego.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos, alinsunod sa PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Special Orders number 9682  sina Manalastas at Riego  ay itinalaga sa PNP Special Action Force (PNP-SAF).

Sinabi ni Carlos na ipinasasailalim muli ni dela Rosa ang dalawang sinibak na parak sa refresher course ng PNP SAF Commando Training  na kabibilangan ng law enforcement at military operations course.

 “Sa panahon ngayon ang ating mga pulis ay dapat maging sensitibo na sa mga nangyayari sa kanilang paligid  at laging unahin ang pagresponde sa mga nanga­ngailangan”, ani  Carlos.

“ We have this sworn duty to serve and protect  and we have to be more dedicated because it is our mandated task “, giit pa ng opisyal.

Nabatid na nadismaya si dela Rosa ng mapanood ang kumalat na video ng dalawang bagitong parak na nagtakbuhan sa shooting incident sa Pasig City kaugnay ng pinaigting na anti-drug at anti-crime campaign .

Binigyang diin ni Carlos na nais ni dela Rosa na ang pulis ay palaban, matapang at hindi duwag .

Sinasabing may lalaking namaril sa isang hinihinalang drug pusher pero sa halip na magresponde ang mga ito ay nagtakbuhan pa kung saan nakunan ang mga ito ng video  ng isang netizens habang nakaunipormeng tumatakbo.

“Yung totoong pulis ay lumalaban at hindi tumatakbo sa labanan. Yan ang kultura na gusto nating mai-develop sa PNP pero hindi naman yung abusado. As what our Chief PNP always say, we want them to adapt a warrior culture”, ang sabi pa ng opisyal.

vuukle comment

PASIG CITY POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with