^

Metro

Serial rapist, itinumba

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Serial rapist, itinumba
Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Montero, nakatira sa Brgy. Addition Hills, Mandalu­yong City. Ang pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi sa Maysilo Circle, Man­daluyong City. Ayon sa report, kalalabas lang ng kulungan ng biktima dahil sa kasong rape at nag­lalakad ito pauwi sa kanilang tahanan noong lapitan ng sus­pek at walang sabi-sabing pag­babarilin.
File photo

MANILA, Philippines – Tinuldukan na ang buhay ng isang ‘serial rapist’ matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay naglalakad pa­uwi sa kanilang tahanan ma­tapos na siya ay i-release sa kulungan sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Montero, nakatira sa Brgy. Addition Hills, Mandalu­yong City. 

Ang pagpatay sa biktima ay naganap dakong alas-6:00 ng gabi sa Maysilo Circle, Man­daluyong City.

Ayon sa report, kalalabas lang ng kulungan ng biktima dahil sa kasong rape at nag­lalakad ito pauwi sa kanilang tahanan noong lapitan ng sus­pek at walang sabi-sabing pag­babarilin.

Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Nabatid na ni-release for further investigation ng piskalya ng Mandaluyong ang biktima dahil sa kasong rape noong siya ay abangan at pagbaba­rilin.

Bukod sa pagiging ‘rapist’ ay sinasabing drug adik din ang nasawi na responsable sa sunod-sunod na rape incident sa kanilang lugar.

vuukle comment

ITINUMBA

SERIAL RAPIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with