^

Metro

Guro inabuso ng ka-chat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasira ang puri ng isang guro makaraang abusuhin ng isa umanong enlisted per­sonnel ng Philippine Army (PA) na kanyang ka-chatmate sa pamamagitan ng social media matapos na mag eyeball sa Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District Women’s Children Protection Desk sa Camp Ka­ringal ang biktima na  itinago sa pangalang Rona, 35, dalaga ay personal naghain ng reklamo sa kanilang tanggapan laban sa isang Danilo Muñoz Jr., 34, binata at enlisted personnel ng PA ng Armed Forces of the Philippines at naninirahan sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang pang-aabuso sa loob ng R & J Inn, na matatagpuan sa Kamias Road, Brgy. Pinyahan, sa lungsod noong Mayo 28, 2016 ganap na alas- 5:30 ng hapon.

Bago ito, lumalabas na nagkakilala umano ang suspek at biktima sa pamamagitan ng social media hanggang sa nagkasundo umano silang mag eyeball.

Nitong May 28, 2016, dakong alas-11:00 ng umaga nag­pasya ang dalawa na mag­kita sa Jam Liner termi­nal hanggang sa manang­ha­lian sa isang fastfood sa Edsa kanto ng Kamias Road, Quezon City.

Matapos kumain, dakong ala-1:00 hanggang ala-1:30 ng hapon ay naglakad-lakad umano sila hanggang sa makaramdam ng pagod. Mula dito ay nagpasya silang magcheck-in muna sandali sa naturang inn.

Dahil sa mukha naman umanong maginoo ang suspek ay pumayag ang biktima hanggang pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lang umanong niyakap ng huli ang una saka puwersahan siyang inabuso.

Matapos ang insidente ay nagpasyang magreklamo ang biktima sa QCPD Police Community Precinct 1 kung saan agad itong dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa genital examination.

Kasunod nito, agad na nagsagawa ng operasyon sina PO3 Arman Cabsag at PO1 Mark Joseph Alonte ng Police Community Precinct (PCP-1) ng QCPD Station 1 at na­­a­resto ang suspek na todo tanggi sa paratang ng biktima laban sa kanya.

vuukle comment

JOEY SY

WORLD SLASHER CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with