^

Metro

Technician binoga, utas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang technician nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikila-lang salarin, sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng mada-ling-araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas  sa Tondo Medical Center ang biktimang si Victorino Dela Cruz, 42, residente ng  Aplaya St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Milbert Ba­linggan ng  Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-3:20 ng madaling- araw sa eskinita ng Purok 6, Rodriguez, Balut, Tondo.

Nabatid na nakatambay ang biktima nang barilin ng mga suspek at ti­na­maan sa tiyan, kanang ba­hagi ng katawan at sa kanang braso.

Sa imbestigasyon,  technician sa lugar ang biktima at marami na sa mga kliyente nito ang nagagalit sa kaniya dahil hindi naman nagagawa ang mga trabaho nito sa kabila ng panghihingi ng bayad.

“Sabi doon sa lugar nila estapador daw, marami na daw na niloko sa kanila, hini­hingan ng pera tapos hindi ginagawa ’yong trabaho, “ani Balinggan.

Maliban pa dito, guma­gamit din ng iligal na droga ang biktima na posibleng may kinalaman sa kaniyang pagkamatay.

vuukle comment

CALVENTO FILES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with