^

Metro

Dalaga hinoldap na, sinaksak pa

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang dalaga nang saksakin ng dalawang kalalakihang nangholdap dito, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Kristel Ross Cabardo, 21, isang service crew, ng  Block 70, Lot 24, panulukan ng 17th at 16th Streets, Barangay 184, Villamor ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakakulong naman sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Alexander Sebial Jr. alyas  Chokie, 18, residente naman ng 12th at 13th Sts., Brgy-183  ng naturang lugar.

Mabilis namang nakatakas ang kasamahan nito.

Sa imbestigasyon nina PO3 Noel Burden at PO1 Judelyn Capistrano, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente alas-4:30 kahapon ng madaling araw sa panulukan ng 12th at 15th Streets, Barangay 183 ng nabanggit na lugar habang ang biktima ay naglalakad  papasok sa kanyang trabaho kung saan nadaanan nito ang nakatayong mga suspek.

Sinalakay ang dalaga at sabay deklara ng holdap.

Kaagad namang ibinigay ng biktima ang kanyang mga personal na gamit dahil sa matinding takot gayunman, isa sa mga suspek ang bumunot ng patalim at inundayan pa ng ilang saksak ang biktima.

Matapos ito  ay kaagad na tumakas ang mga suspect at dito na nagsisigaw ang dalaga para humingi ng saklolo.

Nakatawag pansin naman ito sa mga nagrorondang mga tanod at isa sa mga suspek ang naaresto habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Kaagad namang isinugod ang duguang dalaga sa isang pagamutan.

 

vuukle comment

ALEXANDER SEBIAL JR.

ANG

JUDELYN CAPISTRANO

KAAGAD

KRISTEL ROSS CABARDO

MGA

NBSP

NOEL BURDEN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with