^

Metro

Bading nanunog, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang isang 37- anyos na bading na sinasabing isa ring drug addict nang arestuhin sa pagsunog sa inuupahang silid  sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 11, binit­bit sa kanilang presinto ng mga barangay tanod ng Brgy. 286 Zone 25, ang suspek na si Leo Melijor, walang trabaho, ng   Valderama St., Binondo matapos silaban umano ang inookupahang silid kung saan nadamay ang mga katabing kuwarto nito. Dakong alas -12:30 ng hapon , kamakalawa,  nang sindihan umano ng suspek ang walis tambo at dahil sa nakadikit sa dingding ay nasunog ito at maging ang katabi ay nadilaan din ng apoy.

Naaalarma ang mga residente na nagtulung-tulong sa pagsawata ng apoy.

Nabatid na nangu­ngupahan lamang ang suspek sa bahay ng isang Pedro Espanola, 52.

Kasong arson ang kinakaharap ngayon ng suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINONDO

BRGY

DAKONG

KALABOSO

KASONG

LEO MELIJOR

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

PEDRO ESPANOLA

VALDERAMA ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with