^

Metro

Totoy lasog sa van, 3 pa sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 14-anyos na binatilyo ang nasawi, habang tatlo pa ang sugatan sa isang vehicular accident na kinasasangkutan ng dalawang motorsiklo at isang van sa Quezon City kamakalawa.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 5, ang nasawi ay nakilalang si Rosalito Nocio, residente ng Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Habang ang mga sugatang kasama nito ay sina Carlo Somande, 15; at Rex Taplina, 15, driver ng sinasak­yan nilang Yamaha motorcycle (TE-3810); at Roger Ma­lasaga, miyembro ng Ba­rangay Public Sefety Officer ng Fairview, at driver naman ng isang pang motorsiklo.

Ang isang L-300 van na siyang nakasagasa sa biktimang si Norcio ay patuloy na pinaghahanap ng nasabing himpilan.

Base sa ulat ni PO2 Enrico F. Veterbo ng TS-5, nang­yari ang insidente sa may   kahabaan ng Regalado Avenue Extension, kanto ng Liric St., West Fairview, ganap na alas-3:50 ng hapon.

Diumano, binabaybay ng Yamaha motorcycle na minamaneho ni Taplina angkas sina Norcio at Somande ang kahabaan ng Regalado Ave­nue Extension, galing Republic Avenue patungong Commonwealth nang pagsapit sa nasabing lugar ay biglang magloko ito at mabundol ang motorsiklo ni Malasaga.

Sa lakas ng impact, tumilapon mula sa pagkakaangkas si Norcio saka bumag­sak sa kalye, hanggang sa dumating naman ang L-300 van at masagasaan ito.

Matapos ang insidente, sa halip na huminto ay tumakas palayo ang van, habang malubhang nasugatan ang mga biktima.

Agad namang narespondehan ang mga biktima ng rescue team kung saan sina Norcio, Somande at Taplina ay isinugod sa FEU hospital, habang si Malasaga naman ay isinugod sa Orthopedic hospital. Gayunman, ganap na alas-5:15 ng hapon ay idineklarang patay si Norcio ng mga tuminging doktor.

Hiniling naman ni PO2 Veterbo na kung sinoman ang nakaka-alam sa driver ng nasabing van ay agad na makipag-ugnayan sa kanilang himpilan upang mapanagot sa ginawa nito sa biktima, habang patuloy ang ginagawa nilang pagsisiyasat ukol dito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CARLO SOMANDE

ENRICO F

LIRIC ST.

MALASAGA

NORCIO

PUBLIC SEFETY OFFICER

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REGALADO AVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with