^

Metro

Krimen nalutas dahil sa FB

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling napatunayan na malaking tulong ang  social media sa paglutas ng kaso matapos na sumuko ang isang murder suspect matapos na makita sa Facebook ang kanyang mukha bilang wanted.

Iniharap ni Sr. Insp. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-District Police Intelligence Opera-tion Unit (DPIOU) kay  Manila Mayor Joseph Estrada  ang suspek na si Jeric Baylon, alias “Jeric Ulo”.

Si Baylon ang itinuro at kinilala ng mga saksi na sumaksak at nakapatay sa biktimang si Raymond Lopez, 29, ng 334-B Abad Santos corner Morga St. sa Tondo, Maynila.

Nangyari ang insidente noong Enero 17 dakong alas 10:33 ng gabi sa Morio­nes St., Tondo.

Nabatid na nag-ugat ang resbak ng suspek sa bikti­ma nang pagsabihan uma­no noong Disyembre 25 ng huli ang una na umalis at huwag manggulo. Dito ay pinagbantaan ng suspek ang biktima hanggang sa isagawa ang krimen noong Enero 17 Kapistahan ng Sto. Niño.

Nag-aabang ng taxi si Lopez upang ihatid ang kanyang kasintahan nang biglang saksakin sa tagiliran ni Baylon si Lopez hanggang sa lumuwa ang bituka nito at saka mabilis na tumakas.

Dahil sa kilala, mabilis na pinost sa FB ang  mukha ng suspek hanggang sa ipinakalat din ito ng kapulisan.

Ayon kay Ibay, bunsod naman ng takot ng ina ng suspek, minabuti nitong isuko ang anak. Nalutas ang kaso sa loob lamang ng 48 oras.

Paliwanag ni Estrada na nakatakda sanang mag­tungo sa Amerika ang biktima upang magtraba­ho. Aniya, kinabukasan ng pamilya ng biktima ang kinuha ng suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

B ABAD SANTOS

ENERO

JERIC BAYLON

JERIC ULO

LOPEZ

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERA

MORGA ST.

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with