^

Metro

Karnaper utas sa shootout

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isa sa dalawang karnaper matapos itong makipagbarilan sa mga pulis na tumutugis sa kanila kahapon ng madaling-araw sa Las Piñas City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek, na kaagad na binawian ng buhay sanhi ng tinamo nitong tama ng bala iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre .9mm.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya laban sa isa pang suspek na nakatakas.

Ayon kay Police Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police, bago naganap ang engkwentro, alas-12:30 ng madaling-araw sa Las Villas Condominium,  Quirino Ave., Brgy. Pulang Lupa 1 ng naturang lungsod, minamaneho ni Jobert Cruz, 31 ang kanyang  Euro Sport 150 motorcycle, na ang plaka ay for registration.

Biglang dumating ang mga suspek, na naka-motorsiklo at ang isa ay bumaba at tinutukan ng baril si Cruz. Hindi ito nakapalag kung kaya’t natangay ang motorsiklo nito, na sinakyan ng isa sa mga suspek.

Dahil dito ay kaagad  ini-report ni Cruz sa mga pulis ang insidente na nakatalaga sa Gatchalian Subdivision, Brgy. Manuyo 2 ng naturang lungsod ang insidente at base sa impormasyon ay namataan ang mga suspek sa may C-5 Road Extension.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek at sa halip na tumigil ang mga ito, pinutukan nila ang mga alagad ng batas na humahabol sa kanila.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at isa sa mga suspek ang napuruhan, na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan  at ang kasama nito ay mabilis na tumakas.

Na-recover ng mga pulis mula sa suspek na napatay ang isang kalibre .38 revolver, mga bala at ang motorsiklong kinarnap mula sa biktimang si Cruz. Patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BRGY

CITY POLICE

CRUZ

EURO SPORT

GATCHALIAN SUBDIVISION

JEMAR D

LAS PI

MGA

SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with