^

Metro

Tanod sinita, stude sugatan sa tarak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang estudyante nang saksakin ng isang barangay tanod makaraang sitahin ng una ang huli kung bakit ito umiihi sa pader, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si John Paul Christian Eugenio, 18, binata, sanhi ng tinamong tatlong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nilalapatan din ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang suspek na si Jayson Balarosa, 24, tanod ng Ba­rangay-27,  Zone-4 ng nabanggit na lungsod, matapos mabagok ang ulo nito dahil sa labis na kalasingan.

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-11:46 ng gabi sa Interior FB Harrison St. Barangay-27 Zone-4 ng nabanggit na siyudad.

Lasing na lasing umano ang suspect na tanod at habang umiihi ito sa pader ay nakita ito nang paparating na biktima na nakasakay naman sa motorsiklo.

Sinita umano  ng biktima ang suspect na nairita ang suspek na sa pakiwari nito ay  nakakalalaki ang biktima.

Dito na kinompornta ng suspek kung bakit siya sinisita ng biktima at upang hindi na humaba ang awayan ng dalawa, umuwi ang suspek.

Subalit, rumesbak pala ito at pagbalik nito ay may dala na  itong patalim at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang biktima.

Kaagad na isinugod ang duguang biktima ng rescue team ng Pasay City at dahil naman sa labis na kalasingan ay natumba ang suspek at nabagok ang ulo nito na mabilis ding itong isi­nugod sa PCGH.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HARRISON ST. BARANGAY

JAYSON BALAROSA

JOEL B

JOHN PAUL CHRISTIAN EUGENIO

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with