^

Metro

Salvage victim natagpuan sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki na may tama ng bala sa mukha ang natagpuan sa isang lugar sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng Quezon City Police District- Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU)  ang biktima na nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’2” kayumanggi, balingkinitan, nakasuot ng kulay pulang jersey sando, kulay puting jersey short  at  nakasuot ng bull cap.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima  sa kahabaan ng Bole St., Fairmont Subd., Brgy. North Fairview, sa lungsod ganap na alas -3:10 ng madaling araw.

Sabi ng mga barangay tanod na sina David Capo at Casiano Gohol ng Brgy. North Fairview, kasalukuyan silang nagpapatrulya nang makita ang biktima na nakahandusay sa lugar at naliligo sa sariling dugo.

Agad na ipinagbigay alam ng dalawa ang insi­dente sa otoridad para sa imbestigasyon.

Naniniwala ang pulisya na posibleng sa lugar lamang itinapon ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BOLE ST.

BRGY

CASIANO GOHOL

CRIMINAL INVESTIGATION DETECTION UNIT

DAVID CAPO

FAIRMONT SUBD

INILARAWAN

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with