^

Metro

Rape suspek ng 5-anyos, timbog

Doris Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ng Manila Police District-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang isang 28-anyos na lalaki na sinasabing lulong sa droga na responsable sa paggagahasa sa 5-anyos na paslit noong Disyembre 31 sa Balut, Tondo, Manila.

Kahapon ay iniharap nina  MPD Director Chief Supt. Rolando Nana at MASA chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. ang suspek na si Jirwell Morios, alyas Jeffrey Morallos at Nonoy, 28, ng Building 24, Aroma Temporary Housing, Brgy. 105, Tondo, Maynila.

Lumilitaw sa report na Disyembre 31, 2015 nang  maganap ang  panghahalay ni Morios sa biktima na itinago sa pangalang  Nene.

Nawala umano ang bata na hinanap ng kanyang ina at mga kapatid hanggang sa makita itong papauwi ng bahay ng  Enero 1, 2016 na umiiyak at takut na takot at dala ang sirang damit.

Agad na tinanong ng ina ang paslit kung anong nangyari hanggang sa sinabi ng biktima ang kanyang sinapit. Hindi umano siya pinakain at sinaktan pa ng suspek.

Bagama’t hindi  kilala ni Nene ang pangalan ng suspek, positibo naman nitong itinuro sa kanyang ina ang  itsura ng suspek dahilan upang humingi siya ng tulong sa barangay. Subalit hindi na nila inabutan ang  suspek sa bahay kung saan nagtago na ito  ng ilang araw.

Enero 12 nang  may mag- imporma sa ina ng bata na nakikita ang suspek sa  Divisoria at Tondo hanggang sa irekomenda ng  Initiative for Life and Action of Women (ILAW) ang kaso sa MASA na hindi naman nag-aksaya ng  panahon at nagsagawa ng operasyon laban sa suspek kung saan ito nadakip.

vuukle comment

ANG

AROMA TEMPORARY HOUSING

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

DIRECTOR CHIEF SUPT

DISYEMBRE

ENERO

JEFFREY MORALLOS

JIRWELL MORIOS

LIFE AND ACTION OF WOMEN

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with