^

Metro

Driver binurdahan ng saksak sa loob ng pinapasadang jeep

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nadiskubreng naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ang isang 45-anyos na driver sa loob mismo ng ipinapasada nitong dyip sa Tondo, Maynila, kahapon  ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Noel Desingano, ng Block 8-D, Lot 3, Model Community Housing, Moriones, Tondo, Maynila sanhi ng mga saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala pang natutukoy na mga suspek bagamat inaalam kung may kinalaman ang dalawang lalaki na nakainuman nito sa loob ng nakahimpil na dyip.

Sa ulat ni P03 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, nakita na lamang ang biktima na duguan sa likod na bahagi ng pampasadang jeep  na may plakang  NVD- 870  dakong alas-2:45 ng madaling araw kahapon  sa  R-10 sa Tondo.

Posibleng nagpapahinga na ang biktima nang burdahan ng saksak ng hindi pa kilalang salarin.

vuukle comment

ANG

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

MODEL COMMUNITY HOUSING

NADISKUBRENG

NBSP

NOEL DESINGANO

POSIBLENG

TONDO

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with