^

Metro

Birthday boy, patay sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 20-taong anyos na estudyante na kaka-birthday pa lamang ang nasawi sa sunog na naga­nap sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Salvador Aller, nakatira sa Chorillo St., Brgy. Barangka Marikina City.

Ayon sa report, nag-inuman ang biktima at kanyang mga bisita dahil sa birthday nito kaya umaga na noong matulog hanggang sa maganap ang sunog.

Mabilis namang gini-sing at kinatok ng kanyang mga kasambahay ang kuwarto ng biktima pero naalimpungatan ito at sa halip na lumabas ng bahay ay nagtago ito sa com­fort room kung saan pinaniniwalaang doon ito nasuffo­cate.

Nabatid mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Marikina na ang sunog ay naganap dakong alas-6:45 ng umaga sa ikalawang palapag na bahay ng biktima.

Sa inisyal na imbestigayon, sinasabing mula sa nag-over heat na electric fan ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa kabuang tahanan ng pamilya at nadamay pa ang may 10 pamilya.

Ayon sa mga kagawad ng bumbero, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil pawang gawa lamang sa kahoy o light materials ang mga natupok na tahanan  na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang  fireout dakong alas-7:55 ng umaga.

Samantala, isa pang sunog ang tumupok sa dalawang bahay sa Brgy. Sto Niño, Marikina City.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi ikalawang sunog na nagsimula alas-8:39 na naapula rin bandang 8:45 ng umaga.

Sa Valenzuela naman, nasunog din ang isang  pabrika ng sako, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Valenzuela Fire Department, dakong alas-6:12 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa Fu Hao Sacks Manufacturing Corporation sa may F. Dela Cruz Street, Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.

Ayon kay Fire Marshall, Supt. Jonas Villanueva, tinututukan nila ang faulty electrical wiring sa mga makina ang pinagmulan ng apoy na tuluyang tumupok sa pabrika.

Dakong alas-6:49 ng umaga nang ideklara ng mga bumbero ang fire under control status. Masuwerteng walang nasawi at nasaktan sa insidente. (Dagdag na report kay Danilo Garcia)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

DELA CRUZ STREET

FIRE MARSHALL

MARIKINA CITY

NBSP

UMAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with