^

Metro

Kontratista niratrat ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 64 anyos na contractor ang nasawi makaraang pasukin ng isa sa riding-in-tandem suspect at pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Julius Balbuena, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktima na si Fernando Astorga, may-asawa ng 16-A, Lañada St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Agad namang tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo makaraang isagawa ang krimen ganap na alas 5:30 ng hapon.

Lumilitaw na busy sa pagco-computer ang biktima nang dumating ang isang motorsiklo at huminto sa lugar. Mula rito ay bumaba ang angkas ng motorsiklo saka pinuntahan ang biktima sa computer at biglang pinagbabaril sa buong katawan.

Bago tuluyang umalis, tinutukan pa ng baril ng gunman ang isang residente, saka sumakay sa nagsilbing look out at tumakas.

Dumating naman sa lugar ang tropa ng barangay at isinugod pa ang biktima sa East Avenue Medical Center pero kalaunan ay idineklara rin itong patay habang ginagamot, alas 6:50 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BRGY

DUMATING

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

FERNANDO ASTORGA

ISANG

JULIUS BALBUENA

LUMILITAW

MULA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with