^

Metro

Commando gang member pinasabog ang bungo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinihinalang atraso sa isang sindikato ang dahilan ng pamamaril sa isang lalaki na miyembro umano ng Commando Gang, kamakalawa ng madaling araw sa Caloocan City.

Nagtamo ng tama ng bala sa may panga ang biktimang inilarawan na nasa edad 25-30, nasa 5’4” taas, nakasuot ng gray na kamiseta, maong shorts, may tattoo na “Enrique Gatdula” at “Commando” sa likuran.

Sa ulat, nakatayo at mistulang may hinihintay ang biktima sa may kanto ng Malolos Ave. at Konsehala Alley sa Brgy. 154, Bagong Barrio, ng naturang lungsod, nang dumating ang mga hindi nakilalang salarin.

Nakipag-usap pa umano ang biktima hanggang sa barilin na ito ng salarin. Wala nang buhay nang matagpuan ng mga otoridad ang biktima sa naturang lugar habang nakatakas na rin ang mga kriminal.

Patuloy namang blangko ang imbestigasyon sa insidente ng pulisya dahil sa kawalan ng testigo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG BARRIO

BRGY

CALOOCAN CITY

COMMANDO GANG

ENRIQUE GATDULA

HINIHINALANG

KONSEHALA ALLEY

MALOLOS AVE

NAGTAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with