^

Metro

Karpintero utas sa utol ng tenant

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang karpintero matapos itong pagsasak­sakin ng kapatid na lalaki ng kanyang tenant kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dead on arrival sa Our Lady of Fatima Hospital ang biktimang si Robert Garvez Gaspay, 48, nakatira sa Block 4, Lot 15, Madrigal Compound, Barangay Daniel Fajardo naturang lungsod.

Nagtamo ito ng ilang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Rodrigo Bello, 30, binata, delivery boy, nakatira sa naturang lugar.

Sa inisyal na report na nakarating sa tanggapan ni Police Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, hepe ng Las Piñas City Police, bandang 10:30 ng gabi sa Block 4, Lot 15, Madrigal Compound, Bgy. Daniel Fajardo ay pinuntahan ng biktima ang suspek na nakatira sa bahay ng kanyang kapatid na si Jennylyn Bello Gallardo, tenant ni Gaspay.

Kinompronta ng biktima ang suspek at hindi naman na­ilagay sa report ng pulisya ang dahilan. Dahil dito ay lumabas si Jennylyn at sila na ang nagkasagutan ni Gaspay at sa pagtatalo ng dalawa ay kumuha ng patalim si Rodrigo at walang salitang pinagsaksak nito ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital ng ilang taong naroroon, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BARANGAY DANIEL FAJARDO

CITY POLICE

DANIEL FAJARDO

GASPAY

JEMAR D

JENNYLYN BELLO GALLARDO

LAS PI

MADRIGAL COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with