^

Metro

Lalaki tinamaan ng ligaw na bala sa Luneta

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 21-anyos na lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa balikat habang namamasyal sa Luneta, Maynila kamakalawa ng gabi.

Gayunman, masuwer­teng daplis lamang at agad ring pinauwi ng bahay mula sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Ronald Pa­guinto, ng no. 36 TR Ma­lonzo St., Pier 2, North Harbor, Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas- 11:23 ng gabi nang magulat na lamang ang biktima nang uminit ang kaniyang balikat at nakitang dumudugo na. Humingi siya ng tulong sa tourist police na nagdala sa kaniya sa ospital.

Namamasyal lamang uma­no ang biktima kasama ang mga kaibigan at habang bumibili siya ng mais nang matamaan ng bala.

Wala pang natutukoy na suspek na nagpaputok ng baril na tumama sa biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GAYUNMAN

HUMINGI

ISANG

LUNETA

MAYNILA

NAMAMASYAL

NORTH HARBOR

OSPITAL

RONALD PA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with