^

Metro

Dalaga binoga ng dating nobyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagamat ligtas na sa kamatayan, posibleng maging baldado ang isang 18-anyos na dalaga makaraang barilin ang magkabilang binti nito ng kaniyang dating nobyo, habang kasama­ ang bagong boyfriend sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Angel Laica Villoria, ng  Zabala St. Tondo. Humarurot patakas ang suspek na sakay ng motorsiklo na kinilalang si Schan Vincent Suba, 18, ng Lico St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO3 Paul Barbosa II, ng Manila Police District-station 2, naganap ang insidente pasado alas-11:00 ng gabi sa bahay ng biktima matapos umanong maghapunan ang biktima at ang bagong boyfriend na kinilala sa alyas na Christian nang biglang pumasok sa bahay ang suspek kung saan pinapu­tukan nito ang biktima.

Masuwerteng hindi tinamaan si Christian habang si Villoria ay nasapul sa mga binti. Tumakas ang suspek sakay umano ng motorsiklo habang ang sumaklolong mga kaanak ng biktima ang nagdala sa kanya sa pagamutan.

Selos ang umiral umano sa dating nobyo dahil  ayaw nang makipagbalikan  ng biktima at may bago na itong nobyo. Andrea Abello-Trainee

vuukle comment

ACIRC

ANDREA ABELLO-TRAINEE

ANG

ANGEL LAICA VILLORIA

LICO ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

PAUL BARBOSA

SCHAN VINCENT SUBA

ZABALA ST. TONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with