^

Metro

Biktima pinagdroga 2 pulis arestado sa robbery extortion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang pulis ang naaresto ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA) Manila City Hall Detachment sa isinagawang entrapment operation kamakalawa ng  gabi matapos  iturong nangidnap at humingi ng kotong sa isang negosyante sa Sta. Cruz, Maynila, sa ulat kahapon.

Kasalukuyang  naka­kulong  sa  MASA ang mga suspek na sina PO1 Johnrey Bautista­, 34, nakatalaga sa Northern­ Police District (NPD) at residente ng Block 15, Lot 98, Phase 2, Area A, Dagat-Dagatan, Ma­labon City at PO1 Ernesto Borleo Jr., kasalukuyang Absent without Leave (AWOL) na umano’y  nakatalaga sa NCRPO-Regional Police Holding  and  Accounting Unit (RPHAU) sa Bicutan, Taguig City at residente ng No. 991 Int. 10 Morong St., Manuguit, Tondo.

Ayon kay MASA Chief, Chief Insp. Ber­nabe Irinco, Jr. nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang Clint Tality, 22, binata, ng 2247 Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila kaugnay sa pagdetine sa kaniya ng dalawang suspek noong  Miyerkules.

Sa report ni Irinco kay Supt. Albert Barot, hepe ng  MPD-Station 5, alas-10 ng gabi ng  magsagawa ng entrapment operation ang grupo ng MASA na kinabibila­ngan nina Insp. Rommel Purisima at Sr. Insp. Peter Nerviza sa panu­lukan ng Rizal Avenue at Laguna St., Sta Cruz.

Lumilitaw na  dakong alas-1:30 ng madaling araw nang biglang  bitbitin ng mga nagpakilalang  pulis si Tality habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa harap ng kanyang bahay at pinosasan.

Humingi umano ang mga suspek sa pa­mil­ya ng biktima ng P40,000 subalit nagkaroon ng negosasyon na umabot na lamang sa P6,500.

Sa pagnanais na makuha ang balanse ay muling nakipagtext ang  mga suspek sa pamilya ng biktima na nabatid na nakipagnegosasyon na sa pulis hanggang sa isinagawa ang entrapment  operation.

Ayon kay Irinco, sa halos dalawang araw ay pinagdodroga pa umano ng mga pulis ang biktima.

Sasampahan na ng mga kasong kidnapping, robbery, physical injury at robbery (extortion) ang  dalawang pulis habang  pinaghahanap naman ang isa pang nakatakas.

vuukle comment

ACCOUNTING UNIT

ACIRC

ALBERT BAROT

ANG

AREA A

AYON

CHIEF INSP

IRINCO

NBSP

SHY

STA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with