^

Metro

1 patay, 1 sugatan sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang babae habang malubhang nasugatan naman ang kasama nitong lalaki makaraan silang pagbabarilin ng riding in tandem suspects sa Brgy.  Payatas, lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) si Rizalyn Bacquilar, ng  Unit IV, Brgy. Commonwealth sa lungsod ay agad na binawian ng buhay dahil sa dalawang tama ng bala sa kanyang dibdib.

Habang ang sugatang si Kristian Mark Cajala, 30, ay nagtamo naman ng dalawang tama ng mga bala sa magkabilang braso at sa dibdib.

Ayon kay PO2 Jim Barayuga, may hawak ng kaso, mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo na hindi naplakahan ang mga suspects matapos isagawa ang pamamaril.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Sto. Niño St., kanto ng San Miguel St., Payatas A, Brgy. Payatas ganap na alas -8:50 ng gabi.

Sabi ni Barayuga, bago ang pamamaril, papasakay sana ng kanilang motorsiklo ang mga biktima nang biglang sumulpot ang isa sa mga suspect na may bitbit ng baril saka walang kaabog abog na pinagbabaril ang mga una.

Ang sugatang si Cajala naman ay agad na tinulungan ng mga concerned citizen at isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan ito nilapatan ng lunas sa tinamong mga sugat.

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANG

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JIM BARAYUGA

KRISTIAN MARK CAJALA

MGA

PAYATAS

PAYATAS A

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RIZALYN BACQUILAR

SAN MIGUEL ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with