^

Metro

Kelot bulagta sa Russian roulette

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang lalaki nang makalabit ang gatilyo ng baril ng kanyang kaibigan na nakatutok sa kanyang ulo, kahapon sa Tondo, Maynila.

Ayon sa pulisya, naisugod pa sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Rogelio Dalida, 43, ng V.Serrano St., Tondo, Maynila matapos maganap ang insidente sa loob ng bahay sa Interior 13 S.Trinidad St., ng nasabi ring lugar.

Nauna rito, nakipag-inu­man ang biktima sa ilang kapitbahay mula alas-7:00 ng umaga at nang makaubos ng tatlong bote ng alak ay dumating umano  ang isang hindi nakilalang kaibigan na may dalang hindi mabatid na kalibre ng baril.

Habang kausap ang biktima kaugnay sa umanoy papasukang trabaho ay ipinagyabang nito ang nasa-bing baril na kinuha at tinignan ni Dalida, pinaglaruan at itinutok sa kanyang ulo na aksidente namang pumutok.

Nakita umano ng isang Cora Ruth Bautista ang ginawa ng biktima kaya’t pipigilan sana niya ito nang makalabit ang gatilyo at biglang pumutok ang baril.

Sumubsob sa lamesa ang biktima kaya agad isinugod sa nasabing pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CORA RUTH BAUTISTA

DALIDA

HABANG

MAYNILA

NAKITA

ROGELIO DALIDA

SERRANO ST.

TRINIDAD ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with