^

Metro

Hindi naimbita, nanaksak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan  ang isang ice cream vendor na nagdiwang ng kanyang kaarawan makaraang saksakin ng kanyang kabara-ngay na nanggulo dahil hindi naimbita sa party sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Tondo Medical Center ang 22-anyos na si Marvin Roldan, binata, ng Champaca Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ngayon ang suspek na si Fer­nando Reyes, alyas Nognog, pedicab driver, at residente ng Antorioum, Road  10, ng naturang barangay.

Sa ulat, nagseselebra ng kanyang kaarawan ang biktima pasado alas-8 ng gabi sa may Antorioum Street, nang dumating ang hindi imbitadong suspek at nag-umpisang agawin at inumin ang mga tagay na alak ng mga bisita.

Kinompronta naman ng biktima ang suspek na humantong sa pagtatalo hanggang sa umalis ang suspek.  Muling bumalik si Reyes sa inuman saka inatake ng saksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na tumakas ang sus­pek matapos ang krimen habang sinaklolohan naman ang biktima ng mga kasamahan at isinugod sa pagamutan.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTORIOUM

ANTORIOUM STREET

BRGY

CHAMPACA STREET

MARVIN ROLDAN

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

REYES

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with