^

Metro

Nang-agaw sa kanta ng iba, tinodas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang 27-anyos na lalaki nang tadta­rin ng saksak ng isang construction worker na ina­­gawan umano nito sa pagkanta ng “Poker face” sa loob ng resto bar sa Binondo, Maynila, kahapon ng mada-ling-araw.

Binurda ng may 21 saksak sa katawan ang biktimang si Romulo Ynazon, ng Valderama St. Binondo na sinubukan pang isalba ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit binawian din ng buhay.

Agad ding nadakip ang suspek na si Edgar Pastra­na, 26, na matapos saksakin ang biktima ay bumalik pa umano ito sa videoke bar.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente sa A & J Vi-deoke Bar na ma­tatagpuan sa San Miguel Road, Binondo, dakong alas-3:30 ng madaling-araw ng Sabado.

Sa imbestigasyon, mag-isa umano sa lamesa ang biktima habang ang suspek ay nasa kabilang lamesa nang unahan umano ng biktima ang huli sa pagkanta ng poker face,  gayung para iyon sa suspek, na ikinagalit ng huli.

Nagtaka pa umano ang mga tao sa videoke bar nang bumalik pa ang suspek na mistulang balisa at nagsasa-lita na naliligaw siya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na ituro siya dahil naroroon na ang mga pulis nang siya ay bumalik.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINONDO

DENNIS TURLA

EDGAR PASTRA

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

J VI

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROMULO YNAZON

SAN MIGUEL ROAD

VALDERAMA ST. BINONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with