^

Metro

Sekyu binoga na, sinaksak pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tiniyak na patay bago iwan ang isang 47-anyos na security guard na matapos barilin ng tatlong ulit ay sinaksak pa sa dibdib, habang naghahapunan sa tabi ng pampang sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Abraham Ampatuan, ng  Block 22, Lot 3, Baseco compound.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng gabi sa seawall  sakop ng Block 9, Baseco.

Nakarinig lamang umano ng tatlong magkakasunod na putok ang mga residente bago nakita ang nakahandusay na biktima sa semento.

Nagtungo umano sa seawall ang biktima at doon kuma-in ng hapunan nang paputukan sa likod at sinundan pa ng dalawang saksak sa dibdib ng hindi pa nakikilalang salarin.

Nang usisain ng anak na si Bainor Ampatuan ang narinig na putok, doon niya nakita ang amang duguan kaya dinala pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Wala pang nakuhang impormasyon ang pulisya sa pagkilanlan ng salarin at motibo sa krimen.

vuukle comment

ABRAHAM AMPATUAN

ANG

BAINOR AMPATUAN

BASECO

BASECO COMPOUND

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

KINILALA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PORT AREA

RICHARD ESCARLAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with