^

Metro

Kelot tinodas ng bilas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang lalaki ang pinagsasaksak ng kanyang bilas dahil sa matagal ng alitan sa Sta. Ana, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Jose Cosme, 51, ng Punta Sta. Ana Maynila sanhi ng saksak sa dibdib at braso matapos na manlaban sa suspek na si Ariel Arreza, 54.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Milbert Bali-ngan ng Manila Police District Homicide Section, dakong alas-5:00 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Road 6 Posadas St. Punta Sta Ana Maynila.

Ayon sa ulat ng pulisya, may matagal nang alitan ang magbilas at nang magkasalubong ng landas sa naturang lugar nagawang saksakin ng suspek ang biktima.

Nakapanlaban pa ang biktima subalit patuloy pa ring nadaig ng suspek .

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ANA MAYNILA

ANG

ARIEL ARREZA

AYON

ISANG

JOSE COSME

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MILBERT BALI

POSADAS ST. PUNTA STA ANA MAYNILA

PUNTA STA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with