^

Metro

Umawat sa nagwawala, lalaki dedo sa ka-lugar

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang mister nang saksakin sa dibdib ng kanyang kalugar na inawat nito habang nagwawala sa tapat ng kanyang bahay sa Caloocan City, kamaka-lawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Necasio Atibagos, 28, residente ng Upper Tawi-Tawi, Pangarap Village, Brgy. 181, ng naturang lungsod. Agad namang nadakip ng mga barangay tanod ang suspek na si Porferio Fuentes, alyas Dodong, 49, residente rin ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas- 9:45 ng gabi nang maalim­pungatan sa pagtulog si Ati­bagos dahil sa ginagawang pag-iingay ng suspek sa labas ng kanyang bahay.

Nilabas ng biktima ang suspek upang awatin sa pagwawala ngunit agad siyang tinarakan ng patalim sa dibdib.

Naisugod naman ng mga kaanak si Atibagos sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ngunit hindi na uma­bot ng buhay habang nada­kip naman ng mga barangay tanod ang suspek. Nahaharap ngayon si Fuentes sa kasong murder sa piskalya.

vuukle comment

ACIRC

ATI

ATIBAGOS

BRGY

CALOOCAN CITY

DODONG

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

NECASIO ATIBAGOS

PANGARAP VILLAGE

PORFERIO FUENTES

UPPER TAWI-TAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with