^

Metro

Naingayan sa videoke, kapitbahay binaril

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babala sa mga walang pakialam sa kapitbahay!

Isang lalaki ang binaril ng kanyang kapitbahay na naingayan sa kantahan ng biktima at mga kaanak nito sa bagong biling videoke machine, Miyerkules ng gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan nga-yon sa Jose Reyes Memorial Medical Center dahil sa tama ng bala sa paa si Ryan Polilang, 21, factory worker at residente ng Atis Road, Brgy. Potrero, ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang suspek na si Roger Rivera.

Sa ulat ng pulisya, masayang nagkakantahan ang biktima at mga kaanak sa loob ng inuupahang bahay dakong alas-9 ng gabi nang kumprontahin ng sus- pek na naingayan. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa ngunit itinigil rin ng biktima ang kanilang kantahan.

Dakong alas-10:30 ng gabi, nakahiga na ang biktima at nagpapahinga nang biglang may mamaril sa pinto ng bahay at tamaan si Polilang sa paa.

Humingi naman ng saklolo ang mga kaanak ng biktima sa Police Community Precinct 2 ng Malabon City Police ngunit hindi na inabutan si Rivera sa bahay nito.

vuukle comment

ANG

ATIS ROAD

BABALA

BRGY

DAKONG

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINCT

ROGER RIVERA

RYAN POLILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with