^

Metro

Pedicab driver na holdaper, itinumba

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 36-anyos na pedicab driver na sinasabing dawit sa panghoholdap ang natagpuang patay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Christopher Adrales, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) at  residente ng Magsaysay St. Tondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas -10:30 ng gabi nang madiskubreng walang buhay ang biktima sa tapat ng isang bahay sa Laurel St. Tondo.

Sa pagsusuri, limang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima na nagresulta sa agad nitong kamatayan.

Hindi naman nakakuha ng testigo ang pulisya na posibleng takot ang mga residente na magbigay ng anumang impormasyon hinggil sa pamamaslang.

Naberipika naman sa rekord ng nakasasakop na  Bara-ngay 120, Zone 9 ang biktima ay nasasangkot sa ilang insi-dente ng holdapan sa kanilang lugar at sa ilan pang kalapit na barangay at lumalabas na solo umano ito kung magsagawa ng panghoholdap.

vuukle comment

ANG

BATANG CITY JAIL

CHRISTOPHER ADRALES

ISANG

KINILALA

LAUREL ST. TONDO

MAGSAYSAY ST. TONDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

MAYNILA

NABERIPIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with