^

Metro

Shootout: 2 ‘tulak’ utas

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng droga ang nasawi, habang isa pa nilang kasamahan ang naaresto makaraang makipagpalitan ng putok  sa mga operatiba ng Quezon City Police District-Anti Illegal Drugs Special Operation Task Group (QCPD-DAIDSOTG) habang isinasagawa ang buy-bust operation sa kanilang hide­out, kahapon ng ma­daling-araw.

Sa ulat ng QCPD-Crimi­nal Investigation and Detec­tion Unit (CIDU), walang nakuhang pag­­kakakilanlan ang mga nasawing suspect na ang isa ay kinilala lamang sa alyas na Kalugar, may taas na 4’11, nasa pagitan ng edad na 25-30, nakasuot ng stripe na puting t-shirt at camouflage na pants, at tadtad ng tattoo sa buong katawan; habang ang isa naman ay nasa pagitan ng edad na 25-30, may taas na 5’3, na­­kasuot ng kulay itim na t-shirt, maong pants, at rubber shoes.

Arestado naman ang isa sa mga kasamahan ng mga nasawi na nakilalang si Jason Gonzales, alyas John, 23, binata ng Oak Extension Brgy. West Fairview sa lungsod.

Si Gonzales at dalawang nasawi ay kabilang sa target personalities ng DAIDSOTG sa nasabing operasyon.

Nangyari ang insidente sa may Roces St., Brgy. Greater Fairview, ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Virgilio Mendoza, imbestigador ng CIDU, bago ang operasyon nakipag­transaksyon ang tropa ng DAIDSOTG sa pamumuno ni Chief Insp. Enrico Figueroa sa grupo ng mga suspect na nag-ooperate ng iligal na droga sa lugar  para sa pagbili ng shabu.

Gayunman, habang isi­na­­­sagawa ang bentahan, da­lawa sa mga suspect na nagsilbing look out ang nakatunog sa presensya ng mga nakaantabay na ope­ratiba kung kaya agad na nagsipagtakbuhan ang mga ito na nauwi sa habulan at pagpapalitan ng putok kung saan  bumulagta ang dalawa sa mga suspect, habang nadakip naman si John at narekober dito ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu na tinata­yang nasa 30 gramo at marked money na P20,000 na ginamit sa buy bust.

Narekober din sa crime scene ng SOCO sa isang na­sa­wing si Kalugar ang isang improvised shotgun na may anim na piraso ng bala, anim na pi­raso ng plastic sachet na nag­la­laman ng shabu, isang gun­ting, anim na piraso ng aluminum foil; habang sa isang nasawing suspect naman ay isang kalibre 38 baril na may dala­wang piraso ng bala, isang bala na hindi pumutok at isang basyo nito na nakalagay sa cylinder.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIEF INSP

DRUGS SPECIAL OPERATION TASK GROUP

ENRICO FIGUEROA

GREATER FAIRVIEW

INVESTIGATION AND DETEC

ISANG

JASON GONZALES

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with