^

Metro

Kelot patay sa sekyu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang saksak sa dibdib ang ikinamatay ng isang lalaki na sinaksak ng isang security guard sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon kay PO3 Alvin Qui­sumbing, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakilalang si John Marvic Paolo Santa Juana Rayo, at stay-in sa INC central Office  na matatagpuan sa Central Avenue sa lungsod.

Arestado naman ang suspect na si Rufino Ando, 50, may-asawa, security guard ng PNP Balanga Bataan branch at residente sa no. 33 Tatalong Munti, Brgy. Culiat, sa lungsod.

Sabi ni Quisumbing, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Anahaw St., Brgy. Veterans Village, Project 7, sa lungsod, ganap na alas 3:45 ng hapon.

Bago ito, ang biktima kasama ang testigong si Charito Fernandez, asawa ng suspect, ay naglalakad sa kahabaan ng Edsa kanto ng Bansalangin St., Brgy. Veterans Village nang biglang dumating ang suspect at hinabol ang una.

Pagsapit sa Anahaw St., ay nakorner ng suspect ang biktima, saka inundayan ang huli ng saksak sa dibdib na agad na ikinamatay nito.

Samantala, sa ginawang follow up operation ng mga rumespondeng tropa ng Police Station 2, ay agad na naaresto ang suspect sa may Batoda tricycle terminal na matatagpuan sa kahabaan ng Commonwealth Ave., kanto ng Batasan Road.

Selos ang tinitignang motibo ng otoridad sa nasabing krimen.

Nakapiit ngayon ang suspect sa himpilan ng QCPD-Criminal investigation and Detection Unit para sa kaukulang disposisyon.

vuukle comment

ALVIN QUI

ANAHAW ST.

ANG

BALANGA BATAAN

BANSALANGIN ST.

BATASAN ROAD

BRGY

CENTRAL AVENUE

CHARITO FERNANDEZ

COMMONWEALTH AVE

VETERANS VILLAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with