^

Metro

Magkaibigang barker niratrat, dedo sa Quezon City

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang magkaibi- gang barker ng jeepney makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspect na sakay ng isang kotse sa isang bangketa sa Bago, Bantay lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nakilala ang mga nasawing biktima na sina Jovenir Garcia, 26; at Jesus Yongco, 25; kapwa residente ng Samar St., Bgy. Sto. Cristo, Bago Bantay sa lungsod.

Base sa ulat ni PO2 Julius Raz, imbestigador, nangyari ang insidente sa may harap ng isang laundry shop na matatagpuan sa Samar St. ng naturang barangay, alas- 11 ng gabi.

Kuwento naman ng ilang residente nakatayo umano ang dalawa sa tapat ng laundry shop nang may dumaang isang kotse sakay ang dalawang lalaki saka pinagbabaril ang mga biktima.

Kapwa isinugod ang mga biktima sa J.P Sioson Gene­ral Hospital pero idineklara din silang dead on arrival bunga ng tinamong mga tama ng bala sa kanilang mga katawan.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasa-bing insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGO BANTAY

BGY

CRISTO

JESUS YONGCO

JOVENIR GARCIA

JULIUS RAZ

P SIOSON GENE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SAMAR ST.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with