^

Metro

Karnaper dedo, 3 pa timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng carnap group ang napatay, habang tatlo­ pa nitong kasamahan ang nadakip sa ginawang pagsalakay sa kuta nito, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang lusubin ng pinag­sanib na puwersa ng Caloocan Anti-Carnapping Unit at Cri­minal Investigation and Detection Group ang kuta ng grupo sa may   Admin Site, Brgy. 186 Tala.

Nagresulta ang operasyon sa pagkasawi ni Berlin Del Ro­sario, 22, habang nasakote ang mga kasamahang sina Ben­jelito Santos, 38; Ronnie Santos, 48; at Rolly Magno, 51.

Sinabi ni Caloocan City Police chief, Senior Supt. Bartolome Bustamante, ihahain ng mga pulis ang warrant of arrest laban kay Del Rosario nang agad na maispatan nito ang mga pulis at pagbabarilin ang mga awtoridad. Agad na gumanti naman ang mga pulis bilang depensa na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

Hindi na nanlaban pa ang tatlo pang miyembro ng sindikato at kusang sumuko sa mga pulis. Itinanggi naman ng mga ito na sangkot sila sa operasyon ng carnapping at nangungupahan lamang umano sa isa sa kuwarto sa bahay ni Del Rosario.

Nakumpiska ng mga pulis sa loob ng bahay ang isang gra­nada, isang kalibre .38 rebolber na baril, isang kalibre .22 pistol­, pen gun at sari-saring mga bala.

Narekober naman ang isang SYM motorcycle (9620-PV), isang itim na SYM motorcycle (1677-TS), at dalawa pang motor­siklo na tsinap-tsap na.

vuukle comment

ACIRC

ADMIN SITE

ANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

BERLIN DEL RO

CALOOCAN ANTI-CARNAPPING UNIT

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DEL ROSARIO

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with