^

Metro

Kelot tinarakan sa dibdib ng kapitbahay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 50-anyos na lalaki ang nasawi makaraang tarakan ng patalim sa dibdib ng kanyang kapitbahay na may galit sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Nalagutan ng hininga sa loob ng Pagamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Jose Flores, residente ng Samatad Compound, Brgy. 14, ng naturang lungsod.

Pinaghahanap naman ang nakatakas na suspek na si Juan Camulo, alyas Long long, residente rin ng naturang lugar. Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa may Samatad Compound dakong alas-8:30 ng gabi nang harangin ng suspek hanggang sa magkainitan sa pagtatalo.

Dito nagbunot ng patalim ang suspek at agad na tinarakan ang biktima sa dibdib saka tumakas. Sinaklolohan naman ng mga kalugar ang biktima at isinugod sa pagamutan. Rumesponde naman ang pulisya ngunit bigo na madakip ang suspek. Inaalam rin ng pulisya ang motibo ng naturang pananaksak.

vuukle comment

ANG

BRGY

CALOOCAN CITY

DITO

INAALAM

ISANG

JOSE FLORES

JUAN CAMULO

MALABON

PAGAMUTANG BAYAN

SAMATAD COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with