^

Metro

Rider lasog sa truck

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang motorcycle rider maka-raang mabundol at masagasaan ng isang trailer truck sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Manila Central University Hospital ngunit agad na idineklarang wala nang buhay ang 25-anyos na si Jhonel Tabita, ng Interior 5 Heroes Del 96 Brgy. 73, ng naturang lungsod.

Arestado at nahaharap naman ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang nakabundol na tsuper na si Joseph Cabigayan, 32, ng   Port Area, Manila.

Sa ulat ni SPO2 Fernan Romero ng Traffic Management Unit, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Samson Road patungo sa Monumento Circle sakay ng kanyang Yamaha Mio (ND 42780) dakong alas-2:45 ng madaling araw nang mabundol ng trak (ABB 219) na minamaneho ni Cabigayan.

Tumilapon sa motorsiklo ang biktima na nasaga­saan pa ng unahang gulong ng trak na hindi agad na­kapreno.

Iniimbestigahan naman ng pulisya kung sinadya pa ng suspek na sagasaan pa ang biktima matapos na tumilapon sa motorsiklo.

vuukle comment

ACIRC

CALOOCAN CITY

FERNAN ROMERO

HEROES DEL

JHONEL TABITA

JOSEPH CABIGAYAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

MONUMENTO CIRCLE

PORT AREA

SAMSON ROAD

TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with